Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sapat ang reserbang diesel fuel sa mga paliparan, kahit pa magkaroon ng power interruptions.
“May enough reserve fuel naman kami sa diesel. Lahat naka-ready just in case magkaroon ng power failure,” ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio.
CAAP ang namamahala sa 44 commercial airports sa buong bansa.
Para sa mga biyahero, tiniyak din na may sapat na fuel ang mga airline para sa domestic at international flights. Gayunpaman, inaasahang babawasan ang ilang flights pagsapit ng Abril o Mayo dahil sa 100% pagtaas ng fuel surcharge.
Ayon sa Philippine Airlines may sapat na fuel para sa tuloy-tuloy na operasyon habang ang Cebu Pacific ay inailangang magbawas ng ilang international flights dahil sa tumataas na gastos sa fuel.










