Posibleng gawin nang two-way ang Cabagan-Santa Maria Bridge upang dumami ang ma-accommodate nitong mga motorista.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III, sinabi niya na inaantay na lamang ang report mula sa Central Office kung kailan maaaring buksan ang kabilang lane ng nasabing tulay.
Gayunpaman, nilinaw ni Gov. Albano na mananatili pa rin itong limitado para sa mga light vehicles.
Makikipag-ugnayan din siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kung maaari ay simulan nag I-repair ang ibang bahagi ng tulay na nangagailan ng pagkukumpuni upang mas maging matibay ito at kapaki-pakinabang sa lahat.
Matatandaan na noong Pebrero 2025 ay gumuho ang ikatlong span ng Cabagan-Santa Maria Bridge at nito lamang Marso 2, 2026 ay muli itong binuksan para sa mga light vehicles matapos kumpunihin ang nasirang span nito.










