--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa lockdown ang Cabatuan Police Station matapos na magpositibo sa RT-PCR test ang tatlong police personnel nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fresiel Dela Cruz, hepe ng Cabatuan Police Station, sinabi niya na isinailalim na rin sa isolation ang mga nakasalamuha ng mga naturang pulis.

Aniya, ang hakbang na ito ay bilang precautionary measure dahil hindi matukoy kung saan nakuha ng naturang mga pulis ang virus.

Ayon pa kay PMaj. Dela Cruz, ilan sa mga personnel ay mas piniling mag-isolate sa himpilan upang maiwasang makapanghawa sa kanilang kapamilya.

--Ads--

Hihintayin namang lumabas ang resulta ng RT-PCR test ng pinakahuling nakasalamuha ng tatlong pulis bago isailalim sa antigen test ang lahat ng kanilang personnel.

Aniya,  kung sakaling negatibo ang resulta ay magpapatuloy ang operasyon ng kanilang himpilan.

Nilinaw naman niya na may mga PNP personnel na nakatalaga sa labas ng himpilan para mangasiwa sa mga mangangailangan ng kanilang serbisyo.

Tinig ni PMaj. Fresiel Dela Cruz.