Tinagurian ngayon bilang “world’s most extreme café” ang Gushi Cliff Coffee sa southeastern China dahil sa kinalalagyan nito na nasa gilid mismo ng isang matarik na bangin, 60 meters above sea level. Katumbas ito ng 20 palapag ng gusali.
Ayon sa ulat, hindi basta-basta mapupuntahan ang nasabing coffee shop. Kinakailangan munang maglakad ang mga turista nang 30 minutes sa isang via ferrata trail (bakal na hagdanan sa bangin) at mag-rappel pababa kasama ang isang instructor bago makarating sa mga rectangular platforms na nagsisilbing upuan.
Nagkakahalaga ng 398 yuan (tinatayang P3,200) ang isang tasa ng kape. Bagama’t tila mahal, nilinaw ng may-ari na kasama na sa bayad ang insurance, safety equipment, serbisyo ng guide, at walang limitasyong oras ng pananatili sa platform.
Binuksan ito noong 2004, ngunit kamakailan lamang nag-viral sa social media dahil sa mga nakahihilong videos ng mga turistang sumusubok sa nakakatakot ngunit breathtaking na karanasan.





