Bumisita si Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay sa isla ng Calayan ngayong Linggo, Setyembre 28, 2025, upang personal na kumustahin at makausap ang mga residenteng matinding naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Nando.
Matapos manalasa ang bagyo, nais ng Ama ng Lalawigan na agad na personal na makapunta sa Calayan nguni’t dahil sa masungit na panahon, naantala ang biyahe patungo sa naturang isla.
Ngayong mas ligtas na ang kondisyon, tumuloy na ang gobernador kasama sina DSWD Regional Director Lucy Alan, OCD Regional Director Leon Rafael, PDRRMO Head Cesar Cuntapay, Provincial Treasurer Miles Mallonga, at PSWDO Head Mac Paul Alariao. Sila ay sakay ng chopper ng Philippine Air Force (PAF).
Bukod sa personal na pagbisita at pakikipagdayalogo sa mga residente, dala rin ng grupo ang karagdagang Family Food Packs at iba pang ayuda na ipamamahagi sa isla.











