--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng massive disinfection ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dahil tumaas ang bilang ng mga kawani na tinamaan ng COVID-19. 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na nakakaalarma na dahil umabot sa 103 ang mga kawani ng CVMC na tinamaan ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng kanilang mga Doctors, Nurses, Radtech at Med-tech.

Nakahome quarantine na ang mga nagpositibong kawani ng pagamutan dahil mild symptoms lamang ang kanilang nararamdaman.

--Ads--

Nagsasagawa na rin sila ng contact tracing dahil maging ang pamilya ng mga empleyado ng CVMC ay nahawaan na rin.

Kasunod nito ay sinuspendi ang operasyon at nagsagawa ng massive disinfection sa outpatient department (OPD) ng pagamutan dahil umabot sa 15 kawani ang nagpositibo sa virus ngunit muling bubuksan ngayong araw.

Sa ngayon ay mahigit 20 ang naka-confined na positibo sa COVID-19 at dalawa ang suspect case.

Karamihan sa mga nagpositibo ay hindi nabakunahan at may comorbidity ngunit mild symptoms lamang ang nararanasang sintomas.

Ang CVMC ay may 150 isolations rooms at 20% ang occupancy rate. 

Ang mga PPE, gamot at ventilators ay sapat pa rin. 

Ang sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa maluwag na pagpapatupad ng health protocols sa mga pampublikong lugar.

Mahigpit pa rin ang ipinapatupad na pagsusuot ng face mask at social distancing sa loob ng pagamutan habang mayroon pa rin silang triage center. 

Ipinatupad din ang alternate duty sa CVMC at ang iba ay naka-work from home pangunahin na ang mga may comorbidity.

Ang molecular laboratory ng CVMC ay pansamantalang nakasara dahil kasalukuyang inaayos ngunit magbubukas sa buwan ng Hunyo, 2023.

Ang lahat ng specimen ay dinadala muna sa Regional Health Office.

Tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggao.