--Ads--

Wagi ng silver medal ang volleyball team ng Cagayan Valley/Region 2 sa Volleyball Girls – Elementary girls division sa Palarong Pambansa 2025.

Sa isang mainit at tensyonadong laban, tinapos ng Central Luzon team ang Volleyball Girls Elementary-Championship Game kontra sa Region 2 sa dalawang straight sets, 29-17 at 25-22 upang kunin ang ginto.

Narito ang mga manlalaro ng Region 2 na nagkamit ng individual accolades:

Best Server- Nicole Rodriguez

--Ads--

Best Outside Hitter-Nicole Rodriguez

Best Opposite Hitter- Nathalie Rodriguez

Best Libero- Janine Bajade

Samantala sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Solomon Visaya Acio, coach ng Volleyball team ng Region 2 sa Elementary Girls sinabi niya na mahirap ang dinaanan ng kanyang team dahil ang powerhouse na Western Visayas agad ang una nilang nakaharap at sumasakit pa ang tiyan ng mga atleta ng Region 2.

Dehydrated aniya ang ilan niyang atleta dahil sa dinanas na pananakit ng tiyan ngunit hindi naman ito naging hadlang upang makaakyat sila sa podium at maiuwi ang silver medal.

Aniya isa itong malaking achievement/history sa Region 2 dahil matapos ang 25-taon ay nakapag-uwi na ng medalya ang rehiyon sa larong volleyball.

Pinasalamatan naman niya ang mga sumusuporta sa delegasyon ng Region 2 maging ang mga magulang na pinahintulutan ang kanilang mga anak na lumahok sa mga kompetisyon sa palarong pambansa.

Umaasa siyang magtutuluy-tuloy na ang magandang takbo ng laro ng mga atleta para makapagkamit ng medalya sa alinmang laro na kanilang sinasalihan.