--Ads--

CAUAYAN CITY – Normal pa rin ang sitwasyon at wala pang epekto ang bagyong Mawar sa Islan ng Calayan sa Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Joseph Llopis ng Isla ng Calayan, sinabi niya  na pupulungin niya ngayong araw ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC)   para talakayin ang mga paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar.

Palagi aniyang dinadaanan ng bagyo ang kanilang bayan kaya  resilient na ang mga tao.

Ang pangunahing problema nila ay kung malakas ang hangin at matataas ang alon sa dagat.

--Ads--

Ayon kay Mayor Llopis, ang mga mamamayan sa Calayan Island ay kusang lumilikas kapag may panganib na dulot ng bagyo.

May dumating na ring 600 na  family food packs mula sa Department of Social Welfare and development (DSWD) region 2 at mayroon ding 1,000stockpile ng mga relief goods ang pamahalaan lokal ng Calayan.

Kahit lumabas sa pagtaya ng PAGASA  na hindi direktang tatama ang bagyong Mawar ay kailangan pa rin nilang maghanda dahil sa magiging epekto nito sa dulong hilagang Luzon.