--Ads--

Nagpasalamat si Municipal Mayor Joseph Llopis ng Calayan, Cagayan sa agarang tugon at malaking tulong na ipinaabot ng pambansang pamahalaan sa kanilang bayan na matinding nasalanta ng Super Typhoon Nando.

Ayon kay Mayor Llopis, bukod sa food packs para sa suplay ng pagkain, malaking tulong din sa kanilang pagbangon ang natanggap na cash assistance para magamit sa pangunahing pangangailangan matapos masira ang kanilang mga pananim at muling maitayo ang kanilang mga nasirang bahay.

Maalala na naihatid kahapon, araw ng Linggo, ang kabuuang ₱38 Milyon cash assistance at karagdagang Family Food Packs (FFPs) sa Calayan na nagpapakita ng mabilis at puspusang aksyon ng gobyerno.

Ayon kay DSWD Regional Director Lucia Alan, ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na agad matulungan ang bawat pamilyang nasalanta upang makabangon mula sa pinsala ng kalamidad.

--Ads--

Ang ₱38 milyon ay inisyal na halaga pa lamang at magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal para naman sa mga island barangays ng Calayan.

Bukod sa cash assistance, naihatid din sakay ng Black Hawk ng Philippine Air Force ang karagdang 1,500 FFs bilang augmentation support ng ahensya.

Mayroon ding 2,000 FFPs na ipapadala sa San Vicente Port, Santa Ana, Cagayan.