--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatupad ng semi-lockdown ang pamahalaang lokal ng Calayan dahil sa pagpositibo sa Covid 19 ng anak ng isang SB Member.

Matatandaang mahigit isang taon ding Covid positive free ang nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Joseph Llopis ng Calayan, sinabi niya na agad na dinala sa pagamutan upang ipasuri ang pasyente kasama ang kanyang ina na isang SB Member na nakaranas ng side effects matapos mabakunahan kontra Covid 19.

Positibo ang resulta ng swab test ng anak na asymptomatic habang hinihintay  ang resulta ng swab test ng inang SB Member.

--Ads--

Ayon kay Mayor Llopis, batay sa kanilang isinagawang contact tracing, maaaring nahawa ang pasyente sa nakasalamuha nitong kawani ng isang regional office na  nagtungo sa kanilang bayan.

simula kaninang ala una ng madaling araw, bawal munang magpapasok ng mga hindi residente sa kanilang bayan sa loob ng dalawang linggo habang tinatapos ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng  nagpositibo sa virus upang  maiwasan ang local transmission.

Skeletal workforce at work from home muna ang ilang kawani sa kanilang munisipyo.

Humingi naman ng pasensya si Mayor Llopis sa kanyang mga kababayan sa mga  paghihigpit dahil para rin  ito sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan sa Calayan.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Joseph Llopis ng  Calayan, Cagayan.