
CAUAYAN CITY – Pinalawig ng Cauayan City Covid-19 Task Force ang calibrated lockdown sa Rogus, Cauayan City dahil sa pagpopositibo sa virus ng ilan pang mga residente.
Magugunita na noong June 18, 2021 ay isinailalim sa calibrated lockdown ang naturang barangay at nakatakda sanang magtapos ngayong araw matapos na may magpositibo sa COVID-19 sa mga dumalo sa isang lamay.
Sa bisa ng Executive Order number 51-2021, pinalawig ng tatlong araw lockdown sa barangay Rogus para maipagpatuloy ang isinasagawang contact tracing ng City Health Office (CHO).
Sa naging panayam Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kapitan Faustino Gapasin Sr., may pitong nagpositibo sa virus na close contact ng unang nagpositibo matapos na lumabas ang resulta ng kanilang swab test.
Ngayong araw ay magsasagawa ng swab test sa iba pang close contact ng mga nagpositibo.
Paalala niya sa kanyang mga nasasakupan na sumunod sa mga health protocols para hindi mahawa sa COVID-19.
VC PB FAUSTINO GAPASIN SR.










