--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Tactical Operations Group 2 (TOG2), Philippine Air Force ang Campus Peace and Development Forum katuwang ang Supreme Student Council of the Philippines Isabela Chapter.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lt.Col. Sadiri Tabutol, Force Commander ng TOG2 na bukod sa priority task ng Air Force na magbigay ng mga air assets sa mga military operations at mga non-military operations ay tinututukan din nila ang mga severe military operation activities.

Aniya, kasalukuyan ang pagsasagawa nila ng Campus Peace and Development Forum na inisyatibo ng kanilang higher headquarters.

Aktibo ang mga miyembro ng Supreme Student Council of the Philippines Isabela Chapter at ilang serye na rin ang kanilang naisasagawa.

--Ads--

Bawat linggo ay nagkakaroon ng talakayan sa mga usapin sa lipunan katulad ng environmental protection youth empowerment at governance.

Nais aniya ng Philippine Air Force na imulat ang bawat kabataan o estudyante na sila ang puntirya sa recruitment ng mga rebeldeng grupo.

Tinig ni Lt.Col. Sadiri Tabutol.