Nagsagawa ng Campus Walkout mamayang hapon, ika-26 ng Setyembre ang Isabela State University–Echague (ISU-E) upang kondenahin ang korapsyon sa bansa pangunahin na ang mga isyung may kaugnayan sa flood control projects na lalahukan ng mga mag-aaral, guro, kawani, at alumni.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ISUE President Dr. Boyet Batang, sinabi niya na nagpaalam ang Student Council kay Executive Officer, Jong Martin at kanilang pinahintulutan ang aktibidad, dahil ito ay karapatan ng mga mag-aaral alinsunod na rin sa nakasaad sa Konstitusyon basta’t ito ay isasagawa sa mapayapa at organisadong paraan.
Nagsisimula ang campus walkout, alas-tres ng hapon at tumagal hanggang alas-singko.
Ito ay idinaos lamang sa loob ng campus partikular sa ISUE gate kung saan ang mga lalahok ay inaasahang magsusuot ng itim o puting kasuotan at magdadala ng placards na may maiikli at malinaw na panawagan.
Kasama sa mga magbabantay sa seguridad ng aktibidad ang campus security guards at Philippine National Police (PNP) Echague, upang masiguro na magiging maayos at ligtas ang kilos-protesta.
Dagdag pa ni Dr. Batang, mahalaga pa ring bigyang-prayoridad ng mga estudyante ang kanilang akademikong tungkulin habang inihahayg ang kanilang saloobin sa mga isyu sa lipunan.










