--Ads--

CAUAYAN CITY Muling bubuksan ng Canada ang mga border nito sa buwan ng Hulyo 2021

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Marissa Tumanguil Hajcasr ng Canada na sa July 5, 2021 ay bubuksan na ang mga border ng Canada ngunit ang mga citizens at  permanent residence lamang ang makakapasok.

Aniya, hindi na nila kailangang dumaan sa anumang protocol tulad ng 14 days na quarantine.

Kasabay nito ay inanunsyo na rin ng prime minister ng Ontario, Canada na sa naturang araw ay magbubukas na ang lahat ng mga business establishments sa kanilang lugar.

--Ads--

Kasunod ito ng pagkakaabot na ng Ontario sa step 3 qualifications ng pagbubukas ng mga negosyo.

Ayon sa kanya, ang mga qualification ng business opening ay dapat nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang 75% ng mga adults habang 30% ang nabakunahan ng second dose.

Sa kabila nito ay wala pa ring dine-in sa mga restaurants at sa mga mall ay ipinapatupad pa rin ang social distancing at pagsusuot ng facemask.

Ayon pa kay Gng. Hajcasr, may 276 na kaso ng Delta variant ngayon ang Canada.

Sila aniya ang mga wala pang first dose ng bakuna at ang mga travellers na pumasok sa Canada na hindi dumaan sa tamang panuntunan.

Ang pahayag ni Ginang Marissa Tumanguil Hajcasr