CAUAYAN CITY- Sinimulan na sa 5th division training school sa Camp Melchor Dela Cruz sa Upi, Gamu,Isabela ang pagbubukas ng candidate soldiers class 535-2018.
Ito ang unang bugso ng recruitment ngayong taon ng 5th infantry division philippine army na susundan sa buwan ng hunyo.
Ayon kay Army Capt. Jefferson Somera, hepe ng division public affairs office, sa 250 candidate soldiers ay 5 ang babae na magsasanay sa ibang lugar.
Pitumpot tatlo ang college graduate, 5 ang board passers, apatnaput tatlo ang college level, at isang daan dalawamput siyam ang high school graduate.
Ang mga bagong recruit ay pumasa sa AFP Service Aptitude Test o AFPSAT na isinagawa noong Nobyembre, 2017.
Ang kanilang pagsasanay para maging ganap na kasapi ng Philippine Army ay magtatagal ng apat na buwan.
Ayon kay Capt Somera, si Brig Gen. Perfecto Rimando, Commanding General ng 5th ID ang panauhing pandangal sa opening ceremony.




