--Ads--

CAUAYAN CITY- Ikinatuwa ng hanay ng Office of the Civil Defense Region 1 ang pagkakaroon ng dalawang araw na Rescue convention para sa mga rescuer mula Region 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region

Sa ikalawang araw ng pagsasagawa ng rescue convention, ibinihagi ng hanay ng OCD Region 1 ang mga mahahalagang bagay na makukuha sa mga ganitong pagtitipon

Ayon kay Regional Director Laurence Mina ng OCD Region 1, karanasan at kaalaman ang maiuuwi ng kanilang opisina pagdating sa mga rescue and disaster response.

Aniya, napakahalaga ng ganitong pagtitipon upang mapag usapan at maipresenta ang mga best practices ng bawat DRRM Office na pwedeng tularan

--Ads--

Isa sa mga tumatak kay RD ay ang mga alternatibong ruta na nag uugnay sa bawat Rehiyon sakaling magkaroon ng hindi inaasahang kalamidad na magreresulta sa pagsasara ng mga main roads

Ibinahagi rin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga equipment na dadalhin tuwing rescue mission

Platform din ang convention upang maibahagi ng Region 1 ang kanilang mga karanasan tulad na lamang ng pagkakaroon ng forest fire sa bahagi Ilocos kamakailan.

Ayon sa OCD Regional Director, malaking bagay na personal nilang maibahagi ang kanilang karanasan at mga hakbang na kanilang ginawa upang sa ganoon ay malaman din ito ng mas nakararami

Umaasa rin ito na ngayong ikalawang araw ay mas marami pa silang matutuhan na mababaon nila sa kanilang pag uwi sa kanilang Rehiyon