Itinalaga si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kinatawan ni Pope Leo XIV sa nalalapit na beatification ng Amerikanong arsobispo na si Fulton J. Sheen, ayon sa Dicastery for the Causes of Saints ng Vatican.
Ayon sa maikling pahayag, gaganapin ang beatification ceremony sa St. Louis, Missouri, United Stats sa darating na Setyembre 24, 2026.
Ayon sa ulat, si Sheen ay isang kilalang mangangaral sa telebisyon at radyo.
Noong 2012, idineklarang Venerable si Sheen ni Pope Benedict XVI bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan at kabutihang-loob.
Noong 2019 naman, pinayagan ni Pope Francis ang isang milagro na naganap sa pamamagitan ng panalangin kay Archbishop Sheen, na nagbukas ng daan para sa kanyang beatipikasyon.
Ayon sa Dicastery for the Causes of Saints, ang organisasyon ay responsable sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa beatification at canonization alinsunod sa kanilang itinakdang proseso.









