--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa gilid ng creek sa Barangay Libanto, Quezon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Clarence Labasan, hepe ng Quezon Police Station sinabi niya mismong ang kasamahan nitong care taker ang nakakita sa katawan ng biktima habang nakabitin gamit  ang net para itali ang kaniyang leeg sa gilid ng creek.  

Una rito, nagkainuman pa ang biktima at katrabaho nito aniya na dito niya nabanggit na gusto na umano niyang kitilin ang kanyang buhay.

Dahil dito ay natakot ang kasama kaya umalis ito at itinago ang mga patalim sa kubo sa binabantayan nilang itikan subalit pagbalik niya ay wala na doon ang biktima na kalaunan natagpuan sa gilid ng creek at wala ng buhay.

--Ads--

Lumalabas na problema sa pamilya ang sanhi ng pagpapatiwakal ng biktima.

Muling hiniling ng pulisya ang serbisyo ng barangay partikular ang mga barangay health worker para magbigay ng psychological guidance sa mga taong may suicidal tendencies para mapigilan ang mga naitatalang insidente ng pagpapakamatay sa lugar.