--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) ang isang caretaker na nasamsaman ng baril sa Aglipay, Quirino.

Ang pinaghihinalaan ay si Gregorio Galasi, 51-anyos, may-asawa, Caretaker ng isang piggery sa Victoria, Aglipay Quirino at residente ng San Francisco, Aglipay, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Captain William Agpalza, hepe ng Aglipay Police Station, sinabi niya na nag-apply sila ng search warrant sa sala ni Hukom Andrew Dolnuan ng RTC branch 31 Cabarroguis, Quirino makaraang makatanggap sila ng sumbong na nag-iingat ng baril ang pinaghihinalaan.

Katuwang ng Aglipay Police Station ang Police Intelligence Branch ng QPPO at CIDG maging ng mga opisyal ng barangay sa pagsilbi ng search warrant sa bahay ng pinaghihinalaan.

--Ads--

Nakuha sa bahay ni Galasi ang isang Cal. 38 revolver na walang serial number na may 5 bala at nakalagay sa kulay green holster.

Walang naipakitang lisensiya ang pinaghihinalaan kaya agad siyang inaresto ng mga otoridad.

Ayon naman kay Galasi matagal na umano niyang tinatago ang baril at wala siyang intensiyong gamitin.

Anya nabili niya sa kanilang lugar sa Santa Isabel, City of Ilagan ang baril at nang nakapag-asawa ng taga Aglipay, Quirino ay dinala niya ito sa nasabing lugar.

Tinig ni Police Captain William Agpalza.