--Ads--

SA CABATUAN, ISABELA – Natagpuang wala nang buhay sa isang fishpond ang caretaker ng Constantino Farm sa Cabatuan, Isabela.

Ang natagpuang patay ay si Ricman Calderon, nasa tamang edad at residente ng Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cabatuan Police Station ang may-ari ng fishpond ay nagtungo sa kanyang farm at nakita niya si Calderon na nakaupo at nakasandal sa kongkretong pader ng kanilang babuyan.

Inakala niya na natutulog ang biktima subalit ng kanyang gisingin ay hindi magising kayat iniulat na niya sa himpilan ng pulisya.

--Ads--

Ipinatawag rin si Dr. Rhea Blanca Franciso ng Municipal Health Office ng Cabatuan upang suriin ang katawan ng biktima at dito natuklasang patay na nang matagpuan si Calderon.

Isinagawa ang pagsusuri sa mga labi ng biktima at wala namang nakitang palatandaan na mayroong foul play sa pagkamatay ng biktima at maaaring namatay sa sakit .