CAUAYAN CITY- Lumubog ang nakadaong na Cargo Boat sa ilog na sakop ng Maconacon, Isabela dahil sa biglaang pagtaas ng tubig sa ilog dulot ng mga pag-ulang dinala ng Shearline.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Bernard A. Plasos ang Operations and warning chief MDRRMO Maconacon, sinabi niya na pansamantalang nakisilong sa Maconacon Isabela ang cargo boat dahil sa masungit na panahon noong Bagyong Pepito at hindi na umalis sa naturang lugar.
Aniya, dahil sa pag-buhos ng malakas na ulan ay naging biglaan ang pagtaas ng tubig sa ilog , isang malaking kahoy aniya ang tumama sa bangka sanhi para mabutas ito at lumubog.
Samanatala, dahil sa mga pag-ulan na nararanasan sa kanilang Bayan ay nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng antas ng tubig sa ilog.
Dahil dito ay binaha ang ilang flood prone areas sa mga Barangay habang may mga tulay ang hindi na rin madaanan partikular ang Maconacon going to Barangay Canadam, Reina Mercedes at Sta. Marina.
Itinuturing ngayon na isolated ang mga nabanggit na Barangay dahil sa hindi na nila papasok ang lugar dulot ng mataas na antas ng ilog.
May pagbaha rin sa bahagi ng Maconacon to Divilacan Road.
Sa kasalukuyan ay wala pa silang inilikas na mga residente dahil kasamihan sa mga binaha ay mga kalsada.
Sa katunayan ay nagkaroon na ng pagpupulong ang DSWD at LGU Maconacon para sa ibabahaging tulong sa mga epektadong pamilya.