
CAUAYAN CITY – Naaresto ang tsuper ng isang cargo truck dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok 2, Calaocan, Santiago City.
Ang dinakip ay si Wilfredo Serquinia, 45 anyos at residente ng Baptista Village, Calao East, Santiago City.
Kapalit ng 2,000 pesos nakipag-transaksiyon ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer at nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu.
Nakuha sa pag-iingat ni Serquinia ang drug buy-bust money na ginamit sa transaksyon at cellphone na hinihinalang ginagamit sa pagbebenta ng illegal na droga.
Inamin ni Serquinia na nag-sideline siya sa pagbebenta ng illegal na droga dahil pansamantalang natigil ang kanilang biyahe.
Ang suspek ay nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at unang nadakip noong Abril 2012 ngunit nakalaya noong Oktubre 2018 .
Sasampahan si Serquinia ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










