--Ads--

CAUAYAN CITY- Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa carnapping at paglabag sa batas trapiko, matagumpay na nagsagawa ng magkahiwalay na operasyon ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG)

Isa sa operasyon ay ang matagumpay na pagkakabawi ng HPG sa isang Mitsubishi Montero sa National Highway, Barangay Nappaccu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Ang operasyon ay bahagi ng intel-based Anti-Carnapping initiative ng grupo. Napansing may improvised plate sa harap at likod ang naturang sasakyan. Nang hingan ng dokumento ang tsuper, ipinakita nito ang isang kahina-hinalang Certificate of Registration (CR) na pinaniniwalaang peke.

Sa pamamagitan ng VIMS check, lumitaw na may bisa ang Nationwide Alarm Hold Order (Hold Order No. 20170615) laban sa nasabing sasakyan, kaugnay ng reklamong “Failed to Return” na isinampa noong Hunyo 15, 2017.

--Ads--

Hawak na ngayon ng PHPT Isabela sa Brgy. Tagaran, Cauayan City ang sasakyan para sa karagdagang beripikasyon at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya.