
CAUAYAN CITY – Naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng isabela ng kabuuang 5 million pesos para mabigyan ng cash assistance ang mga nag-aalaga ng baboy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).
Mahiit 2,000 na baboy sa Isabela ang pinatay at ibinaon sa lupa matapos magpositibo sa ASF.
Mahigit 300 na hog raisers sa 40 na barangay sa 16 na bayan sa Isabela na naaapektuhan ng nasabing sakit ng mga baboy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr, Angelo Naui, Provincial Veterinary Officer na kalahati na ng nasabing pondo ang naibigay sa mga apektadong hog raiser.
Ang hograiser na may baboy na hindi bababa sa 20 na baboy ay mabibigyan ng bayad na 2,500 bawat baboy.
Ayon kay Dr. Naui, ipinagpatuloy noong Biyernes nina Gov. Rodito Albano at Vice Gov. Faustino Dy III ang pagbibigay ng cash assistance sa mga apektadong hog raiser matapos na pansamantalang itinigil dahil sa COVID 19.










