--Ads--
CAUAYAN CITY – Kaagad ipinag-utos ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez ang pagsibak sa isang casual employee ng pamahalaang panlalawigan na sangkot sa panunutok ng baril sa bayan ng Echague.
Si Leo Mamaril na tubong San Fabian Echague, Isabela, nagsisilbing drayber ng provincial government ay pinaparatangan na nagtangkang nanutok ng baril sa isang babae na hindi sumagot sa kanya.
Matapos ang pagsisiyasat ng pamahalaan panlalawigan ay kaagad sinibak ng tanggapan ng punong-lalawigan si Mamaril dahil sa ginawang panunutok ng baril.
Maliban sa pagsibak sa pwesto ay nahaharap din ang pinaghihinalaan sa kasong paglabag sa RA 10591 (illigal possesion of firearms) at attempted homicide.
--Ads--




