--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Agriculture na mataas ang produksyon ng palay ngayong anihan sa lungsod ng Cauayan dahil bihira lang umano ang naapektuhan ng peste.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, ang City Agriculturist, wala naman aniyang naging problema sa mga pananim na palay dito sa lungsod dahil may sapat na patubig ang NIA MARIIS na nakatulong sa mga magsasaka.

Dahil walang problema sa produksyon ng palay, inaasahan ng Department of Agriculture na magiging sapat ang supply ng bigas ngayong taon at sa susunod pang walong taon.

Samantala sa presyo, ibinahagi ni Engr. Alonzo na mataas Ang presyo kung saan 24.50 pesos kada kilo ng sariwang palay ang bili sa kooperatiba ng Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela (NMI).

--Ads--

Mataas aniya ang presyo kumpara sa ibang mga buying station.

Ayon pa kay Engr. Alonzo, mabuting balita para sa magsasaka dahil 8000 na kilo ang kayang bilhin ng kooperatiba sa halagang 24.50 pesos  kada kilo, kung sumobra naman sa 8000 kilos, ang sobra ay bibilhin nalamang ng 24 pesos

kada kilo.

Kung ikukumpara ito sa ilang buying station sa lungsod, di hamak umano na mas mataas ang bili sa kooperatiba .

Ang presyo ay hindi umano magbabago ngayong anihan kaya walang dapat ipangamba Ang mga magsasaka.