--Ads--

Lumipat na ang City Agriculture Office sa bago nitong building na matatagpuan sa Brgy. Tagaran, Cauayan City Isabela katabi ng Prosecutors Office at City Engineering Office.

Ayon kay Engr. Ricardo Alonzo, ang City Agriculture Officer ng lungsod ng Cauayan, mas malawak na ngayon ang kanilang opisina kung saan mas magiging maalwan na rin para sa mga magsasakang magtutungo sa lugar

Ayon sa opisyal, bagaman hindi pa lubusang tapos ang isang building ng City Agriculture ay maari  na itong pagdausan ng mga event

Sa ngayon kasi ay pansamantala silang nanunuluyan sa livelihood training center  ng tanggapan dahil may kailangan oang ayusin sa pasilidad kung saan sila mamamalagi

--Ads--

Nagpasalamat naman ang opisyal sa lokal na pamahalaan ng lungsod dahil sa pagpopondo para maitayo ang kanilang pasilidad

Bukod sa malawak na pasilidad, magiging maalwan din ito sa bibisita sa opisina dahil sa mas malawak na parking space