--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihikayat ng City Agriculture Office ang mga magsasaka na makibahagi sa Mobile Soil Testing na isasagawa ng Department of Agriculture-Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratory Region 2 sa susunod na buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, ang City Agriculturist sinabi niya na magtutungo ang mga kawani ng DA sa lunsod upang magsagawa ng mobile soil sampling o testing sa ikalima hanggang ikawalo ng Abril.

Ayon kay Engr. Alonzo, sasagawa ang testing sa City Nursery sa Brgy. Cabaruan.

Maaaring magsumite ng soil sample ang mga magsasakang nais makibahagi sa mga nakatalagang agricultural extension workers sa kanilang barangay.

--Ads--

Maaari ring isumite ito sa kanilang mga brgy officials at sa mismong City Agriculture Office.

Makipag ugnayan lamang aniya sa kanilang agricultural extension workers upang malaman ang paraan ng pagkuha ng soil samples

Layunin ng isasagawang Soil Testing na malaman kung ano ang nararapat na iapply sa mga sakahan.

Ayon kay Engr. Alonzo nawawala ang mga nutrients sa lupa kaya dapat na masuri ito at malaman kung ano ang mga kakulangan nito o mairerekomendang pataba na kailangan ng mga pananim.

Ngayong sobrang mahal na ng mga bilihin at mga kailangan sa pagsasaka gaya ng abono ay kailangang makaisip ng paraan upang makatipid ang mga magsasaka.

Dagdag pa ni Eng. Alonzo na ang mga soil samples ay dapat na air dry at pulverized upang handa na pagdating ng mobile soil laboratory at mabilis ang paglabas ng resulta ng pagsusuri.

Pwede nang kumuha ng soil sample ang mga una nang nakaani, dapat na isang kilo per sample at ilagay lamang sa malinis na plastic at lagyan ng label.

Ilagay lamang ang detalye ng farmer gaya ng pangalan nito, Address, lokasyon ng bukid, area at kung ano ang itatanim gaya na lamang ng mais, palay o kung anong klaseng gulay.

Ang bahagi ng pahayag ni Engr. Ricardo Alonzo.