--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapamahagi ang City Agriculture Office ng mga buto at punla ng iba’t ibang mga gulay sa mga mamamayan bilang tulong sa nararanasang pandemya at suporta sa plant plant plant program ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engineer Ricardo Alonzo, City Agriculture Officer  na nagsimula ang kanilang tanggapan sa pamimigay ng mga buto at punla ng iba’t ibang mga gulay noong nakalipas na buwan at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang kanilang pamamahagi.

Ang Plant Plant Plant Program aniya ng Kagawaran ng Agrikultura o DA ay napapanahon dahil sa nararanasang pandemya na hindi makalabas ang mga residente o limitado lamang ang paglabas ng mga tao upang hindi mahawa sa  virus.

Walang masyadong pinagkakaabalahan ang mga residente kaya  naisipan ng City Agriculture Office na  mamahagi ng mga buto at seedlings ng mga lowland vegetables upang maitanim nila sa kanilang mga bakuran.

--Ads--

Malaking tulong din anya kapag lumaki ang mga gulay at namungan na pakikinabangan at hindi na kinakailangang bumili.

Namimigay sila sa mga barangay upang maitanim sa kanilang mga  communal garden bukod pa ito sa ipinapamigay sa  PNP at DepEd.

Ang mga buto at punla na ipinapamahagi nila sa mga partners agency nila  ay itatanim din o ipapamahagi ng mga ito sa kani-kanilang isinasagawang mga programa sa mga barangay.

Sinabi pa ni Engineer Alonzo na  may bago silang programa  katuwang ang City Social Welfare and Development o CSWD kung saan lahat ng 4p’s beneficiaries  sa  lunsod ng Cauayan ay mabibigyan ng vegetable seeds upang  maitanim sa kanilang bakuran na malaking tulong sa kanila at hindi na bibili ng mga gulay.

Ang bahagi ng pahayag ni Engineer Ricardo Alonzo, City Agriculture Officer.