--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nagbukas ngayong araw ang Cauayan City Airport sa San Fermin, Cauayan City.

Pansamantalang tumigil ang operasyon ng paliparan noong Marso 2020 dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19)  pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj Nora Paat, hepe ng Cauayan City Airport Police Station  na  ang check-in counter sa Cauayan Airport ay nagbukas kaninang alas sais ng umaga.

Dakong 7:45AM nang dumating ang eroplano mula sa Metro Manila habang 8:15AM ang take off ng eroplano pabalik sa Metro Manila.

--Ads--

Batay aniya sa manager ng Cebu pacific, walong pasahero ang sakay ng eroplanong dumating habang 37 ang lulan pabalik sa Metro Manila.

Ayon kay PMaj Paat, katuwang nila sa muling pagbubukas ng paliparan ang mga kawani ng Civil  Aviation Authority of the Philippines (CAAP), PNP Aviation Security Group  at mga kawani ng Department of Health (DOH) para sa pag-aasikaso  sa  mga darating na pasahero ng mga eroplano.

Mahigpit  ang pagpapatupad sa mga guidelines at protocol sa paglaban sa COVID-19.

Sasailalim sa foothbath,  forehead thermal scanner at dadalhin sa isolation tent ang  mga darating at paalis sa Cauayan City Airport.

Kapag mataas ang temperatura ng pasahero  at umabot sa 37.6 degrees celcius pataas ay pansamantalang ilalagay sa isolation tent at ipapasakamay  sa nakaduty na kawani ng Cauayan City Health Office.

Samantala, bilang pagsasailalim sa new normal sa muling pagbubukas ng paliparan ay 50% lamang ang papayagang makapasok para masunod ang social distancing.

Ang mga maghahatid at susundo ay mananatili sa  nakatalagang waiting area.

Mula June 23-30, 2020 lamang  ang naibigay na schedule ng  pagbubukas ng paliparan.

Sa nasabing mga petsa ay araw ng  Martes, Huwebes at Sabado ang schedule ng mga flights.

Ayon kay PMaj Paat, mahigpit din na ipagbabawal ang pagdala ng mga bata gayundin ang mga 21 anyos pababa at 60 anyos pataas.

Ang pahayag ni PMaj Nora Paat