CAUAYAN CITY- Nagpaalala ang Cauayan City Airport Police Station sa mga mananakay ng eroplano maging sa mga nagpabook na huwag magdadala ng mga ipinagbabawal
Sa tala ng Airport Police, nasa limang kaso na ng pagdadala ng mga bala ang nakumpiska nila mula Desyember 1 hanggang ngayon
Kaya naman, hinimok ng tanggapan ang mga mananankay lalo na ang mga may suot suot na mga bala na ginagawang anting anting na kung maari ay huwag na itong dalhin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Captain Eduard Caballero, ang station chief ng Cauayan Airport Police Station, sinabi nito na ito ang kadalasan na nakukumpiska nila
Aniya, noong nakaraang taon ay may ganito rin silang nahuli at nasampahan ng kaso kaya’t patuloy silang nanawagan sa publiko na huwag ng magdala pa ng mga ipinagbabawal
Kabilang din sa mga kinukumpiska ng pulisya ay ang mga paputok