CAUAYAN CITY- Isinangguni na ng Cauayan City Anti-Crime Task Force sa City Government Unit ng Cauayan ang planong pagbibigay ng insentibo sa mga Barangay Tanod ng Lungsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Anti-Crime Task Force o I-ACTF Chairman Ismael Atienza Sr., sinabi nito na inaantay na lamang ng kanilang tanggapan ang pag-apruba sa nasabing panukala.
Ayon sa I-ACTF Chairman, na siya ring advisor ng Cauayan City Task Force, panahon na para mabigyan ng ayuda ang mga Barangay Tanod lalo na at katuwang nila ang mga ito sa pagsugpo mg kriminalidad sa lungsod.
Aniya, kung sakaling maisakatuparan ito ay mas mapapaigting pa ang laban kontra kriminalidad sa lungsod dahil mula macro to micro na ang magiging saklaw ng kanilang monitoring.