--Ads--

Nagsimula ng tumanggap ng mga requirements ang Cauayan City Civil Registrar Office mula sa mga mamamayan sa lungsod na nais sumama sa gaganaping Mass Wedding sa darating na February 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nerissa Serrano City Civil Registrar Officer, sinabi nitong nagsimula na sila ngayon na kumuha ng mga requirements ng mga kababayan nang sa ganoon ay mailista na ang mga ito.

Ayon sa officer, kabilang sa mga ipinapapasa ng opisina ay ang senomar, isang valid ID maging ang PSA na karaniwang hinahanap sa mga mamamayan na nais sumama sa Mass Wedding.

Giit ng officer hanggang January 28  lamang ang deadline na itinalaga nila nang sa ganoon ay magkaroon pa ng oras ang opisina sa pagsasaayos ng mga ito.

--Ads--

Tatagal naman ng hanggang February 2 kung sakaling makiusap ang ilang mamamayan para ayusin ang kanilang senomar.

Giit ng City Civil Registrar Office, walang babayaran ang mga ito liban na lamang sa pagkuha nila ng kani-kanilang dokumento.

Nakatakdang ganapin ang aktibidad sa F.L. DY Coliseum sa February 12, 2026.