--Ads--

Ipinatawag sa isang session ang mga kontraktor ng road construction sa lungsod ng Cauayan upang pag-usapan ang pagpapatupad ng Road Closure Authorization Ordinance.

Sa naturang session, iginiit ng mga konsehal na ang pagpapasara ng isang daan o kalsada ay dapat ipaalam muna sa lokal na pamahalaan upang makagawa ng paraan sa trapiko.

Kaugnay ito sa Sec. 21 of the Local Government Code of 1991 na nag-aatas sa mga Sangguniang Panlungsod na otorisadong magpasara ng kalsada, park, o mga pampublikong lugar.

Ayon sa pagpapahayag ni Sangguniang Panlungsod Rufino Arcega, sinabi niya na hindi kinukwestyon ang pagpapaganda ng daan subalit obligasyon din aniya ng mga kontraktor na maglagay ng signage bilang paalala sa road reblocking.

--Ads--

Dapat din aniyang napag paplanuhan muna ang pagpapasara ng mga national, provincial, o barangay roads at hindi ito pwedeng ipasara ng anumang government  agencies, private contractors, o utility service provider nang hindi naipapaalam sa lokal na pamahalaan.

Ang sino mang kontraktor na magsara ng kalsada na hindi kumukunsulta sa mga konsehal ay padadalhan ng sulat at masususpinde sa construction para sa 1st offense, Pagkakakulong ng isang taon o multang P5,000 para sa 2nd offense, at revocation ng business permit para sa 3rd Offense.