--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng TB caravan ang Cauayan City District Jail katuwang ang Department of Health para malaman ang kalagayan pangkalusugan ng mga bilanggo

Bahagi ito ng taunang programa ng doh upang matignan kung positibo ba o hindi ang mga bilanggo sa tuberculosis.

Sa panayam ng bombo radyo cauayan kay Atty. Emerald Hombrebueno, Jail warden ng Cauayan City District Jail, sinabi nito na ang naturang aktibidad sa bjmp ay malawakang ginagawa ng doh para sa mga nakakulong.

Aniya, aabot sa 193 na mga PDL ang naserbisyuhan ng libreng X-Ray TB testing at 187 naman sa HIV testing.

--Ads--

Ayon kay Atty. Hombrebueno, may hakbang na ginagawa ang BJMP sakaling magpositibo ang isang PDL sa TB testing.