--Ads--

CAUAYAN – Tinanghal na Best District Jail sa buong rehiyon dos ang Cauayan City District Jail.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Chief Inspector Guilbert Accad, Jail Warden ng Cauayan City District Jail na masaya sila sa pagkakahirang nila  bilang Best District Jail sa buong Lambak ng Cagayan.

Nakita ng kanilang panrehiyong tanggapan ang kanilang mahusay na performance sa gitna nararanasang pandemya.

Nalagpasan ng Cauayan City District Jail ang performance expectation ng kanilang panrehiyong tanggapan sa tulong at suporta ng pamahalaang Lunsod at mga constituents.

--Ads--

Lahat ng kanilang mga aktibidad ay nagpapatuloy maliban sa pagdalaw na pinalitan nila ng E-Dalaw.

Sinabi pa ni Jail Chief Inspector Accad na ang kanilang best practices ay ang mga ipinapatupad na pamamaraan na hindi isinasakripisyo ang pangangailangan ng mga inmates.

Isa ring dahilan na nakuha nila ang parangal ay ang pagiging COVID-19 free pa rin ng kanilang tanggapan sa kabila na mataas ang bilang ng mga inmates.

Ang sikreto naman dito ay ang kanilang  pagsunod sa mga ipinapatupad na health protocols ng pamahalaan.

Ang pahayag ni Jail Chief Inspector Guilbert Accad