--Ads--

Naglabas ng pahayag ang City Engineering Office hinggil sa nakatiwangwang na hindi pa tapos na road construction project sa may Primo Maramag Street malapit sa may OLPCC-High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Engineer Edward Lorenzo, nakausap na nila ang kontraktor ng proyekto at mayroong isang buwan na curing time ang bawat span ng proyekto ayon sa naging pagpapaliwanag ng kontraktor.

Banggit pa niya, isa sa dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang proyekto ay dahil sa may nadamay na linya ng tubig na siyang dahilan bakit hindi natutuyo ang span na gagawin.

Bukod pa ito sa nararanasang pag-ulan kaya hindi magawang matapos-tapos ito. Depensa pa umano ng kontraktor, mahirap na lagyan agad ng semento ang span ng hindi pa natutuyo dahil magiging mabilis lang din ang pagkakasira nito.

--Ads--

Ikinatuwa naman ng engineer na mabuksan ang usapin sa publiko nang sa ganon ay maalarma ang kontraktor na nakatutok ang mga ito.

Samantala, sa hanay naman ng Public Order and Safety Division (POSD), muling nagpaalala na one way lamang ang nasabing daanan, ito’y dahil marami ang pasaway na motorista ang nakikipag salubungan sa lugar lalo kapag umaga.

Ayon kay POSD Chief Pillarito Mallinlin, responsibilidad ng kontraktor na maglagay ng flagmen sa lugar upang magmando sa trapiko at masigurong one way lamang ito. Aniya, hindi na trabaho ng POSD na manduhan ang trapiko sa lugar dahil proyekto yun ng kontraktor.

Nagpaalala rin ito sa mga motorista na sumunod sa pinapatupad na patakaran sa nasabing lugar