Hindi tumitigil ang City Environment ang Natural Resources Office o CENRO sa paggawa ng bricks galing sa mga collected na basura at basag na bote.
Ito ang naging pagpapahayag ni City Environment and Natural Resources Officer Engr. Alejo Lamsen ng CENRO Cauayan hinggil sa usapin ng problema ng basura sa lungsod.
Aniya, tuloy tuloy ang ginagawa nilang pagrerecycle at pagrereuse sa mga basura at boteng nakokolekta nila mula sa mga residente sa lungsod.
Ayon sa opisyal, maraming residente ang nakikiisa sa programa nila na palit bigas para sa mga broken bottles at mga basura.
ibinida rin niya ang mga bricks na gawa nila mula sa mga basura at bote na kanilang dinudurog.
Giit pa ni Engineer, mahalaga ang ganitong proyekto upang masiguro na napupunta sa mga kapakipakinabang na bagay ang mga basurang tingin ng karamihan ay hindi na napapakinabangan.