--Ads--

CAUAYAN CITY- Makikipag usap ang Cauayan City Government sa mga may ari ng mga negsosyong nagtitinda ng yero sa lungsod ng Cauayan para matulungan ang mga nasiraan ng bahay sa lungsod dahil sa pananalasa ng mga bagyo

Ito ang naging pahayag ni Mayor Caesar Jaycee Dy sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Cauayan pagdating sa tulong na ibibigay ng City Government sa mga residenteng nasiraan ng bahay

Ayon sa alkalde, isa ito sa kanilang tinitignan na paraan para matulungan ang mga residente na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo

Aniya, malaking tulong sakaling makatie up ng City Government of Cauayan ang mga negosyante sa lungsod nang sa ganoon ay masigurong matutulungan ang mga nasiraan ng bahay

--Ads--