CAUAYAN CITY- Mahigpit na ang monitoring ng Cauayan City Health Office sa sakit na Monkeypox o MPOX matapos makapagtala ng isang pasyente sa lungsod ng Santiago.
Ayon kay Health Education Promotion Officer Ruby Joy Ballesteros, aniya, iniiwasan ang posibleng pagpasok o pagkalat ng MPOX sa lungsod ng Cauayan.
Sa ngayon, namomonitor naman aniya ang buong lungsod ng Cauayan dahil sa koordinasyon ng mga Nurse sa mga Brgy Health Workers.
Kampante naman ang City Health Office na madali nalang para sa mga residente na makaiwas sa direct contact dahil naranasan na ito noong magkaroon ng Covid outbreak.
Dahil nakapagtala na ng kauna unahang kaso ng MPOX sa Isabela, pinaalalahan naman ang mga residente na ugaliing maging malinis at maghugas ng kamay, magsuot aniya ng facemask kung kinakailangan upang mas maliit ang tsansa na maging carrier ng MPOX.
Nakikiusap rin ang mga kawani ng City Health Office na agad magpasuri kung may lumilitaw nang senyales o sintomas tulad na lamang ng lagnat, sakit sa ulo, pamamantal, at pamamaga ng lymp nodes.