--Ads--

CAUAYAN CITY – Posibleng papalawigin ng City Health Office ang Immunization Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nurse Vianney Uy, ang National Immunization Program Coordinator, sinabi niya na posibleng palawigin ng Department Of Health ang pagbabakuna ng Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA.

Aniya, malabo kasing matapos hanggang katapusan ngayong buwan dahil  kulang pa ng halos apat na libo ang nabakunahan na at 73.86% o 10,372 na chikiting pa lamang ang kanilang natapos bakunahan.

Sa animnapu’t limang barangay ay sampo ang nakatapos na ng 95% partikular ang baringin norte, buyon, Casalatan, Casapuera, Catalina, Faustino, Gagabutan, Mabantad, Sillawit at Villaflor.

--Ads--

Ayon kay Immunization Coordinator Uy na maraming mga magulang  ang ayaw na ipabakuna ang kanilang mga anak dahil mayroon dati silang pinapapabakunahan tulad na lamang sa mga pribadong pagamutan.

Hanggang ngayon ay nagtutungo pa rin ang mga midwives sa iba’t-ibang barangay dito sa lungsod para hikayatin ang mga magulang na samantalahin na pabakunahan ang kanilang mga anak upang may panlaban sa sakit .

Nagkaroon muli ng ganitong programa ang DOH dahil mayroon anyang tinamaan ng polio sa  bansa kaya upang hindi na kumalat pa ang virus ay agad na tinugunan ng nasabing tanggapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng bakuna.