--Ads--

CAUAYAN CITY – I-aadapt ng Cauayan City ang ilang teknolohiya sa Second International Smart City Exposition and networking engagement na ginaganap sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Director Lucio Calimag ng Department of Science and Technology o DOST Isabela na ang aktibidad na ito ay kasunod ng unang matagumpay na isinagawang International Smart City Exposition and networking engagement noong nakaraang taon.

Aniya, tungkol ito sa na-develop na teknolohiya ng DOST at State universities and colleges.

Tripartite collaboration din ito ng DOST, Isabela State University at ng pamahalaang lunsod ng Cauayan.

--Ads--

Ayon kay Provincial Director Calimag, ang mga teknolohiyang ito ay magiging bukas din sa mga local government units na gusto itong maadapt.

Lahat aniya ng Research and Development ng DOST ay nakaexhibit sa Isabela CONvention Center at pwede nila itong puntahan para makita ang mga ito.

Kabilang sa mga teknolohiyang I-aadapt ng Cauayan City ay ang e-waste management at mobile command center.

Aniya, ang waste management ay tungkol sa pagsesegregate ng mga basura kapag nakolekta na at irerecycle.

Ang mobile command center naman ay magagamit kapag may sakuna tulad ng bagyo.