--Ads--

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang pagbabalik sa regular na walong oras na iskedyul ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan mula Marso 16 hanggang Marso 19, 2026.

Batay sa inilabas na abiso, magbubukas ang mga opisina mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon, kapalit ng ipinatupad na sampung oras na compressed workweek na pansamantalang ginamit sa mga nakaraang araw. Layunin ng pagbabagong ito na mas mapadali ang operasyon at mapahusay ang serbisyo sa publiko.

Samantala, suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Marso 20, 2026 bilang paggunita sa Eid’l Fitr, na hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim.

Pinapayuhan naman ang publiko na planuhin ang kanilang mga transaksyon at makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng lungsod sa loob ng itinakdang oras upang matiyak ang maayos at mabilis na serbisyo.

--Ads--