--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasailalim  sa 17 araw na General Community Quarantine (GCQ) bubble ang Cauayan City na magsisimula mamayang hatinggabi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na simula mamayang alas dose ng hatinggabi ay isasailalim sa GCQ bubble ang lunsod na magtatagal hanggang sa hatinggabi ng ika-31 ng Agosto 2021.

Ang hakbang na ito ay bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lunsod ng Cauayan at sa pagkakatala na ng delta variant sa lalawigan ng Isabela.

Pangunahing tututukan dito ang mga labas-masok sa lunsod na mula sa ibang lugar gaya ng mga nagdedeliver o kumukuha ng goods sa Lunsod ng Cauayan.

--Ads--

Sisiguruhin aniyang sasailalim sila sa pagsusuri at triage para matiyak na hindi sila carrier ng virus.

Tulad ng dati ay isasagawa ang triaging sa Isabela State University (ISU) Cauayan City campus.

Nilinaw ni Mayor Dy na para lamang ito sa mga magtutungo sa lunsod at ang mga passing through ay papayagan lamang na dumaan.

Tiniyak ni Mayor Bernard Dy na walang maaapektuhan ng lockdown at magpapatuloy pa rin ang vaccination rollout.

Ang pahayag ni Mayor Bernard Dy