--Ads--

CAUAYAN CITY – Bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng Covid-19 ay isinailalim ang lunsod sa ‘Hybrid’ GCQ Bubble mula kaninang alas-dose ng madaling araw hanggang alas-dose ng madaling araw ng ikatatlumpo ng Setyembre, 2021.

Ang mga food establishments at restaurants ay maaaring mag-operate ng DINE-IN alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon; kailangang sila ay may Safety Seal Certificate; 30% of venue capacity lamang; at ang mga fully-vaccinated individuals na makakapagpakita ng vaccination cards lamang ang maaaring payagang magdine-in.

Hinihikayat ng pamahalaang lunsod ang kooperasyon at pagtutulungan ng bawat isa sa mga patakaran ng Hybrid GCQ Bubble habang ang lunsod ay patuloy pa ring napapabilang sa mga Critical Areas sa Region 2.

Matatandaang umabot sa apat na raan at lima ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Covid 19 sa lunsod kahapon dahil sa local transmission.

--Ads--

Sa naging pagpapahayag ni City Information Officer Atty. Reina Santos na dalawang daan apatnaput pito lamang ang naireport sa page ng Cauayan City Covid 19 task force at kinalaunan ay naglabas ang Isabela PIO ng karagdagang isang daan tatlumpot anim  na bagong kaso na hindi pa naireport sa DOH.

Nasa 341 sa nasabing kaso ang nakahome quarantine kaya magdadagdag ang lunsod ng isolation facilities upang maiwasan ang hawaan sa mga kapamilya ng mga nagpositibo.

Makikigamit ang lunsod sa mga classroom at daycare centers ng Deped para gawing isolation units sa mga barangay at mailipat na ang mga nakahome quarantine at mga naghihintay ng kanilang swab test results.

Ayon kay Atty. Santos asahan pa ang pagtaas ng kaso ng covid 19 sa lusod sa pagdaan ng mga araw.

Samantala nasa sampung bahagdan pa lamang ang turn out ng pagbabakuna sa lunsod dahil sa kakulangan ng vaccine na naibababa mula sa DOH.

Nagpadala na ang pamahalaang lunsod ng sulat sa DOH Region 2 para sa hiling na karagdagang suplay ng bakuna.

Ang bahagi ng pahayag ni City Information Officer Atty. Reina Santos.