CAUAYAN CITY – Nagkampeon ang Lungsod ng Cauayan sa katatapos na Cagayan Valley Basketball League o CVBL SEASON 2 ELITE CUP.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sports Analyst Ian Dalog sinabi niya na naging malaking bentahe para sa Lunsod ng Cauayan ang pagiging undefeated sa elimination at pagkakaroon ng buong kuponan para matalo ang Lungsod ng Ilagan.
Ang pagkampeon ng Cauayan ay kasunod ng pagkatalo sa kamay ng Lungsod ng ilagan sa mismong homecourt nito sa Lungsod.
Aniya dahil kulang ang mga outside shooter at pagkakainjured ng ilang player sa game 1 ay bumawi ang Lungsod ng Cauayan sa bilis subalit hindi ito sapat para maipanalo ang game 1 kaya bumawi na lamang ang Cauayan City sa sumunod na laban na ginanap sa Lusnod ng Ilagan.
Nagkaroon ng malaking adjustment ang koponan ng Lungsod ng Cauayan at binantayan ng husto ang Team Ilagan at lumamang ang Lungsod ng ilang puntos dahil sa palitan ng three point shot.
Tinanghal bilang Season MVP at Best Player of the Game si Andrei Albano dahil sa pinamalas na outside shooting habang Finals MVP naman si Guilmer Dela Torre.
Pagkatapos ng Cagayan Valley Basketball League ay inaabangan na ang pagbubukas ng 1st JC Dy Cup inter town makalipas ang ilang taon na pagkaka-antala dahil sa pamdemiya na magsisimula na sa ikatlo ng Disyembre.
Magkakaron ng dalawang kategorya at mag lalaban-laban ang mga 1st class cities at 3rd class cities at ang premyo ay tumataginting na isang milyong piso para sa kampeon, 1st runner up ay 600 thousand pesos at ang 3rd runner up ay 300 thousand pesos.