--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahigit doble ang itinaas ng bilang ng mga aktibong kaso ng Covid 19 sa Cauayan City kumpara sa mga naitalang kaso sa mga nakalipas na araw.

Batay sa talaan ng Cauayan City Covid 19 Task Force, umabot na sa 77 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa Cauayan City matapos maitala ang nasa tatlong panibagong kaso.

Mahigit doble ito kumpara sa naitalang aktibong kaso ng COVID 19 sa lungsod noong January 6, 2022 na 25 .

--Ads--

Nangunguna ang barangay District 1 na may labing dalawang aktibong kaso. Tagaran na 10, San Fermin na 9, tig-7 sa barangay District at Minante Uno; , tig- 6 sa barangay Cabaruan at Minante dos, at 3 sa San Luis.

Nagtala naman ng Tig-2 kaso ang Linglingay, Nagrumbuan, Pinoma, Sillawit at Union.

Tig-iisang kaso naman sa Alicaocao,Cassa Fuera, District 2, Marabulig, Uno, Rizal, San Francisco at Villaluna.

Marami sa mga aktibong kaso ay sumasailalim sa home isolation, habang ang iba ay nasa ospital at isolation facility.

Patuloy naman ang paalala ng Cauayan City COVID 19 Task Force sa mga mamamayan na sumunod sa health protocols.