Nagagalak na ipinagmamalaki ng Hepe ng Cauayan City Police Station ang pagkakaroon ng mga panibagong Special Weapons and Tactics o SWAT sa Lungsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Ernesto Nebalasca Jr. ang Hepe ng Cauayan City Police Station sinabi nito na nagsimula na ang animnaput limang araw na training ng nasa dalawamput pitong mga pulis na myembro ng Special Weapons and Tactics o SWAT na maitatalaga dito sa lungsod.
Nagpapasalamat naman siya sa Local Government Unit na siyang nagpondo sa nasabing pagsasanay.
Aniya kasunod ng training ay mayroon ding financial support ang maaring maibigay ng LGU at sa pagtatapos ng training ay inaasahan din ang mga equipment at mobility na siyang magiging kagamitan ng SWAT UNIT na inaasahan ding matapos hanggang ika dalawa o ikatatlo ng Marso ngayong taon.
Malaking tulong ngayon ang bagong SWAT unit sa pagpapanatili ng kaayusan sa Lungsod dahil madadagdagan ang pwersa ng mga kapulisan.