--Ads--

Pinabulaanan ni Cauayan City Mayor Caesar ” Jaycee” Dy ang umano’y kumalat na maling impormasyon kaugnay sa gumuhong flood control project sa Barangay Alicaocao, Cauayan City.

Giit ng Alkalde ongoing ang proyekto at hindi pa aniya na turn-over sa LGU.

Sa katunayan aniya pasok parin sa warranty ang proyekto at ang pagsasaayos sa nasirang bahagi ay sasagutin ang contractor.

Sa katunayan bago pa gumuho ang flood control ay may notice na sila para ipaayos ito.

--Ads--

Ayon pa kay Mayor Jaycee hindi substandard ang proyekto subalit isa sa posibelng dahilan ng pagguho ay ang malambot na lupa dahil sa nararanasang pag-ulan.

Tiniyak pa niya na hindi nasasayang ang pera ng taumbayan dahil sa anumang proyekto na nasira ng hindi pa naipapasakamay sa LGU ay kargo ng contractor.

Una narin niyang hiniling sa contractor na nakatoka dito na ayusin ang paggawa sa proyekto gayundin na pinaalalahanan ang DPWH na paigtingin ng pagcheck sa proyekto at suriin ang pagkakaloob ng proyekto sa mga contractor.

Maliban sa gumuhong flood control ay may ilang proyekto pa ang sinisilip na dahil sa pagguho ng lupa sa Barangay Maligaya, at Barangay Nagrumbuan.

Samantala, sa ngayon ay sinisilip na rin ang lahat ng mga matatandang tulay sa Lunsod para sa planong paglalagay ng river control sa mga approach ng mga lumang tulay.

Kung matatandaan nitong Linggo naganap ang pagguho ng flood control sa Barangay Alicaocao at batay sa mga datos mula sa Sumbong sa Pangulo Website ang proyekto ay may initial fund na 44 million pesos na dapat natapos noong 2022.