--Ads--

Naniniwala ang hanay ng Isabela Anti-Crime Task Force (IACTF) na ang probinsiya ng Isabela ay isa sa pinaka-tahimik na lalawigan sa buong Pilipinas batay sa naitala ng National Police Commission.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ysmael Atienza Sr. Ang Chairman ng IACTF, sinabi nito na batay sa datos ang Isabela ang isa sa pinaka-tahimik na lalawigan sa mga nakalipas na buwan ngayong 2025.

Ito rin ang dahilan kung bakit na awardan bilang 2nd Most Peaceful Province sa buong Pilipinas.

Giit ng IACTF Chairman, na gawa ito dahil sa patuloy at mahigpit na monitoring na isinasagawa katuwang ang Isabela Police Provincial Office (IPPO).

--Ads--

Isa pa sa ginagawa nila sa ngayon ay ang regular na pagpupulong kasama ang iba’t-ibang mga hepe ng mga police station sa lalawigan upang makapag-report kung ano ang sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.